Napapansin mo ba na marami na ang nagbago sa ating bansa? Maging ang ating mga pananamit. Habang naging modernisado ang ating bansa, maraming mga bagay ang nag bago mula sa pananalita hanggang sa ating pananamit. Ang pagbabago ng ating pananamit ay isa sa impluwensiya sa mga taong nanakop sa atin tulad ng Americano, Espanyol, at Hapon. Halos taon-taon merong mga panibagong mga damit ang nailalabas, at halos taon-taon meron ding mga panibagong trend na kung paano suotin ang isang damit.
Dati ang mga babae ay balot na balot sa kanilang mga kasuotan na tinatawag na Filipiniana.

Noon pag ikaw ay magsusuot ng filipiniana, ikaw ay isang mahinhin na babae at ikinagagalang ka. Noon ma swerte ang mga lalaki kung sila ay may maikakasalamuha na babaeng hindi balot na balot. Kaya ang mga babae noon ay nagsusuot ng filipiniana dahil wala ang social media, at wala din silang ma kokopyahan na porma ng pananamit. At kapag ikaw ay nag susuot ng Filipiniana sa panahon ngayon ikaw ay parang pupunta sa isang pormal na okasyon.
Ngayon naman ay ating natutuklasan sa ating mga mata ang mga panibagong damit o kasuotan ng mga tao. Malaki ang pinagbago ng pananamit dito sa ating bansa, gaya ng pagsalubong sa mga social medias. Ang mga panibagong damit naman ay sobrang kakaiba sa mga damit noon. Sa panahon ngayon ang mga damit ay medyo nagpapakita ng balat o hindi balot na balot ang iyong katawan.

Kaya paminsan minsan ang mga babae ay na babastos dahil ang mga kasuotan na panibago ay medyo nagpapakita ng balat. Ang ating mga panibagong kasuotan ay naimpluwansyahan dahil sa mga social medias na nag bibigay impormasyon kung ano ang mga iba’t ibang mga bagong porma ng mga kasuotan. Ayon sa Blog post ng Pinoykidsblog.wordpress.com “Kung ano ang uso dapat ito nasusunod dahil sa panahon ngayon kapag hindi ka sunod sa uso hindi ka pasok sa masa.” kaya halos taon-taon nagbabago ang mga estilo ng kasuotan. Kung tatanungin mo ang nakararami mas gugustuhin ng mga babae na mag suot sa mga panibagong kasuotan dahil ito ang mga uso na estilo sa pananamit.
Ganito ka layo ang narating sa ating kultura ng pananamit sa ating bansa.
